Pagbibigay ng Saysay sa Peregrinasyon (On Pilgrimages)

*Talk in preparation for the “Pilgrim Walk” of a group of pilgrim-participants of the CLYP (Central Luzon Youth Pilgrimage).  19 April 2013.  There are some parts of the talk that were thought of and added during the actual delivery and, therefore, cannot be part of this text.

Isang mainit na pagbati sa inyo mga kabataan na mula sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon.  Bagama’t mainit ang pagbati ko, napakasuwerte natin na dahil sa ating Kuya Hermie at Couples for Christ ay malamig naman ang pakiramdam natin dahil pinaunlakan nila tayong magamit ang lugar na ito.  Salamat, Kuya Hermie.  Namnamin natin ang lamig ng aircon kasi pamaya-maya lang sasabak na kayo sa init ng alas-kuwatrong araw.  Sa atin na mga suki ng whitening cream at lotion, “be ready to get dark.”  Ilang minuto na lamang kasi, sasabak na tayo sa tinatawag na pilgrim walk.  

Ano ba itong tinatawag na pilgrim walk o ang kaugnay nitong salita, ang pilgrimage?  Bakit ba natin ito ginagawa?

Unahin muna natin kung ano ito “hindi.”  Ginagawa natin ang pilgrimage hindi dahil masokista tayong mga katoliko.  Ang masokista ay mga taong gustong-gusto saktan ang kanilang sarili dahil ang sakit ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan.  Kung matindi ang sakit, matindi rin ang kasiyahan.

Ginagawa rin natin ang pilgrimage, hindi dahil nasisiyahan ang ating Diyos na masaktan tayo.  Kaya nga, hindi dahil may kahilingan tayo ay pahihirapan na natin ang ating mga sarili at sasabihin natin sa Diyos, “Look, Lord, I am getting hurt!  I am hurting myself and I am dong this for you, so that you will help me pass my exams!” Ang Diyos natin ay pag-ibig kaya hindi niya ito gagawin sa atin.  Hindi siya Diyos na nasisiyahan sa paghihirap nang dahil sa paghihirap lamang.

Kaya nga, para saan ba ang pilgrimage?  Ang pagiging isang peregrino?  Ano ang diwa sa likod ng gagawin nating anyo ng pergegrinasyon: ang paglalakad sa gitna ng araw sa ngalan ng ating pananampalataya?

Unang-una, ituring natin ang pilgrimage bilang salamin ng ating buhay dito sa ating mundo.  Tayo ay mga peregrino sa buhay na ito.  Tayo ay nagsisipaglakbay.  At tulad ng isang pilgrimage, dumaranas tayo ng mga hirap sa ating buhay.  Marami tayong mga karanasan na tila ba nasusunog ang ating balat, hindi tayo kumportable dahil sa pagod at pawis, nagpapaltos ang ating mga paa, nauuhaw tayo, namimitig ang ating mga binti.

Subalit, tulad ng sa pilgrimage, ang pagtutuon ng ating mga kaisipan sa ating destinasyon ang nagpapalakas sa atin.  Sa pilgrimage, isipin natin, saan tayo pupunta ano ang gusto nating marating?  Tulad ng sa ating buhay, saan ba ang gusto nating patunguhan sa wakas ng lahat ng ito, walang iba kundi ang ating Diyos.

Isa pang nagpapagaan sa ating buhay ng paglalakbay ay ang ating mga kasama, ang ating mga kalakbay.  Tunay na gumagaan ang bigat, lumilipas ang oras, umiikli ang milya o sa sitwasyon natin ang mga metro, kung kapiling natin, kasabay natin, ang mga taong may kalooban at kaisipang kawangis ng sa atin.  Kaya nga mamaya, alalahanin natin na hindi tayo nag-iisa sa paglalakad, kasama ninyo ang mga dati at bago ninyong kaibigan mula sa iba’t ibang bahagi ng Cental Luzon.  Ganyan din ang buhay.

Ang ginagawa nating pilgrimage ay isa ring pagsalamin natin sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo.  Ang ating Panginoon ay isang manlalakbay, isa rin siyang peregrino.  At ang paglalakad niya ay hindi lamang nangyari sa daan tungo sa kalbaryo. Hindi roon nagsimula. Tandaan natin, isipin natin, si Hesus ay naglakbay sa iba’t ibang bahagi ng Israel, ang kanyang bayan–ang kanyang buhay ay isang paglalakbay, subalit hindi lamang paglalakbay na kakikitaan ng galaw nang galaw na mga paa, bagkus isang buhay, isang paglalakbay na mabunga.  Hindi nagsayang ng kanyang panahon.  Sa bawat paghakbang niya, tumatahak siya sa misyon na itinalaga sa kanya ng ama.  At sa kanyang bawat paghinto, kung saan, naglalaan, “nag-aaksaya” siya ng panahon para sa ibang tao, nagbabago ang buhay ng mga nakakaugnay niya. Tulad ninyo kaninang umaga, sa paglalaan ninyo ng oras sa mga taga-Gawad Kalinga.

Kaya nga mamaya, sa ating paglalakad, ituon natin ang ating isip kay Kristo, sa kanyang buhay na isa ring peregrinasyon, at gamit ito, salaminin natin ang ating sariling buhay.  Pagnilayan natin habang tayo’y naglalakbay:  Gaano na ang buhay ko nagiging tulad ng kay Kristo?  Paano pa ako magiging tulad ni Kristo?

A Worthy Endeavor

At the back of my mind, there is a nagging desire to do something great and meaningful, even heroic. Today, a show of Chef Ramsey offered a great idea: A cooking school for the underprivileged youth where our culinary culture is taught and, in way, preserved. The food that is produced is then served free of charge to young children of impoverished background.

Such school already exists in Cambodia and it is featured in the show that I watched today. Something to look forward to come retirement time.