Assumpta

Ina kang nag-aruga sa akin
sa apat na salin ng panahon.

Pipi kang saksi
sa aking mga luha’t halakhak,
sa aking mga musmos
na pakikibaka’t pagpupunyagi.

Ang mga silid mo’t pasilyo
ang siyang nagtulay
sa aking kamulatan at kawalang muwang.

Ikaw ang sumabay sa aking mga unang paglalatag ng mga pangarap
Ang nagpaniwalang liwanag ang higit na bahagi ng mundo
Ang nagkubli ng katotohanan ng mga kabiguan at kapighatian.

Sa Iyong mga bisig
natagpuan Ko ang mga nilalang
na ngayo’y katali di lamang ng aking buhay

kundi ng akin ding kaluluwa.

Sa kawalan ng masusuungan, sumandig kami sa isa’t isa, at nakatagpo ng lakas
Umindayog kaming sabay-sabay sa pintig ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba
At sumaliw sa malabong linaw na kumpas ng hangad ng dakilang manlilikha.

Sa aming paglisan
di Ka namin malimutan

sapagkat ang hugis Mo,
ang kulay Mo,

ang dunong Mo,
at oo, maging,
ang buhay Mo,

ay bahagi na ng aming
buong pagkatao.

para sa MAS HS Batch 1990

About julesphilip
a teacher who is still in the process of discerning whether he'll stay in this way of life, answer a lifelong call to become a diocesan priest, or take on the responsibility of being a steward of his parents' legacy. may his experiences assist him in making a decision for the greater love for God.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: