Alaala

Natatandaan ko pa
Ang unang babae sa buhay ko
(Hindi ang aking ina
given na kasi ‘yun)

Isa siyang dalagang
Aninag na lamang
Ang alon-alon niyang buhok
Pati na ang kanyang ganda
Sa aking alaala

Isang taon noon
Bago ako tumuntong sa pagbibinata
Pinalad akong makatabi siya ng upuan
Dikit lagi ang aming mga bisig
Ang aking kanan sa kanyang kaliwa

Binigyan niya ako ng inspirasyon
Sa loob ng isang taon
Lalo pa akong gumuhit gamit
Ang kanyang mga krayola.
Sinubukan kong bumigkas
ng mga salita para kanyang mapuna.
Ninasa kong makapareha siya
Sa aming monito at monita
Pati na sa mga dula-dulaan
Sa mga asignatura ni
Mrs. Pagulayan.

Subalit mapaglaro yata
Ang tadhana
Sa aking batang puso
Dumating ang panahon ng tagtuyot

Nagpaalam siyang di na babalik
Sa pagsapit ng darating na tag-ulan.

Ngayon
Ang tanging alam ko lang
Ang kanyang pangalan
Isang bulaklak iyong alay
sa Ina ng Sansinukuban
At dalawang sakay ang layo
Ng kanilang bahay sa amin.

Ayoko siyang hanapin ni puntahan
At baka kung ano ang matuklasan

Ukol sa babaeng una kong inibig.

ika-21 ng Pebrero 2011, para kay Stanly Sy

About julesphilip
a teacher who is still in the process of discerning whether he'll stay in this way of life, answer a lifelong call to become a diocesan priest, or take on the responsibility of being a steward of his parents' legacy. may his experiences assist him in making a decision for the greater love for God.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: