Sa Babae sa Phone Booth ng Siping Road

Sa isang pulang kabaong
Ka nagkanlong
Habang ang ginaw
Ay unti-unting
Sumusurot sa laman
Ng iyong mga kalahi

Nagbabandera sila ng tagumpay
Nagwawagayway sa di pasasakop
Na pag-angat at pag-usad
Nagbabandila ng di maipagkakailang
Ganap na katuparan
Ng libong taong posibilidad

Habang ikaw
Ay tila langong
Nakahilig ang ulo
Lupaypay ang katawan
Laylay ang mga bisig
Nakasalampak
Sa nagyeyelong sahig

Nakamulagat ang mga mata sa kawalan
Naghihintay sa pagsapit ng init
Pangakong hatid
Ng namimiling bukang-liwayway

 

20 November 2011, 11 n.g.
Best Western New Century Hotel, Shanghai
Para sa aking mga kasama sa XCE Beijing 2011

About julesphilip
a teacher who is still in the process of discerning whether he'll stay in this way of life, answer a lifelong call to become a diocesan priest, or take on the responsibility of being a steward of his parents' legacy. may his experiences assist him in making a decision for the greater love for God.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: