Asal at Ugali: Mga Mamamayan sa 24-29

Tingnan ang Kabanata 24-29 ng El Filibusterismo at pagmasdan ang asal at pag-uugali ng mga ordinaryong mamamayan dito.

Sinasabi na pagpuna ang mga nobela ni Jose Rizal hindi lamang ng mga banyaga, mapa-fraile man o opisyal ng pamahalaang kolonyal kundi maging ng mga katutubo, ng mga Filipino, ng kanilang pag-aasal at pag-uugali.

Sa klase ng H4D, tiningnan ng mga mag-aaral ang katotohanan ng mga pangungusap na ito.

 

About julesphilip
a teacher who is still in the process of discerning whether he'll stay in this way of life, answer a lifelong call to become a diocesan priest, or take on the responsibility of being a steward of his parents' legacy. may his experiences assist him in making a decision for the greater love for God.

31 Responses to Asal at Ugali: Mga Mamamayan sa 24-29

  1. lmangune12 says:

    Sa kabanata 24, makikita natin sina Isagani at Paulita Gomez. Ipinaliwanag ni Isagani kay Paulita ang kanyang mga pangarap. Gusto niya manirahan sa lugar na puno ng magandang kalikasan. Isip niyang dalhin si Paulita dito, pero sinabi ni Paulita na masyado ‘tong malayo at ayaw niya maghirap para pumunta dito. Ipinaliwanag ni isangani na sa hinaharap, gusto niya na magsama ang Espanya at Pilipinas at magkakaroon tayo ng sapat na teknolohiya para makagawa ng tren.

  2. slim12xs says:

    Sa Kabanata 24, Makikita sina Isagani at Paulita Gomez na sinasabi ang mga pangarap nila para sa kinabukasan. Gusto ni Isagani na manatili sa probinsiya pero di sangayon si Paulita rito. dahil ang bansa ay nasa kamay pa ng mga espanyol. Si Paulita naman ay gustong lumakbay gamit lang ay tren. Batay dito masasabi natin na iba iba ang pangarap nila para sa kinabukasan.

  3. asoriano12 says:

    Kabanata 25 Buod:
    Nagkaroon ng isang kainan kung saan pinuri ni Padre Irene ang pagiging matalino ni Don Custodio. Kasama rito ang mga kabataan, ngunit plastik lamang sila sa pagiging masaya. Sa pangkalahatan ng kabanata pilit ang kasiyahan ng mga kabataan.

    Katangian ng mga kabataan sa kabanata:
    Plastic o tago ang tunay na nararamdaman
    Pinipilit na maging masaya kahit sila’y galit o malungkot
    “they go with the flow”

  4. kutan12 says:

    Sa kabanata 25,
    makikita sina makaraig, at iba pang mga estudyante na nag cecelebrate pero sa totoo ay hindi naman. Sila’y nasaktan sa ginawa ni Don Custodio sa kanila, at habang sila’y nag-uusap ay may isang alagad ni Padre Siblya na nakikinig sa kanila.
    Batay dito masasabi natin na tunay na nasaktan ang mga kabataan at maari rin na mag-sisimula na ang pag-rerebelusyon.

  5. Sa Kabanata 29, makikita natin sina Padre Irene na naging tagapaghati ng kayaman ni Kapitan Tiago(Namatay) sa mga iba’t ibang institusyon tulad ng arsobispo, mga estudyante, Basilio. Batay dito, masasabi ko na mayaman si Kapitan Tiago at marami siyang kakilala na hahatian sa kanyang mga testamento sa kanyang pagkamatay.

  6. jtan12 says:

    Sa kabanata 25, makikita ang mga kabataan gumawa ng isang pagdiriwang para kay Don Custodio upang magpakita ng magandang kalooban sa desisyon ukol sa akademya. Batay dito masasabi natin na talagang ayaw matalo ang mga kabataan sa kanilang petisyon para sa akademya.

  7. Linarc says:

    Sa Kabanata 29,
    Makikita si Dona Patrocinio na pumunta sa libingan ni Kaptian Tiago at sinabi na sana mamatay siya kinabukasan upang magkaroon pa ng mas pambihirang libingan.

    Batay dito masasabi natin na si Dona Patrocinio ay may masyadong malaking hilig sa pagpapataas sa kanyang sarili, na patay na ang tao hindi pa niya titigilan kahit man sa kamatayan dapat mas magaling siya.

  8. rpe12 says:

    Kabanata 28: Makikita na ang maestrong panday ay nag-aalala. Gusto niyang makahanda ang mga kasama niya sa magaganap na labanan dahil maari silang mamatay. Batay dito, masasabi natin na may mataas na konsiyensya ang mga tao sa panahon ng El Fili kahit sa harap ng digmaan, kaguluhan at pang-aapi. Hindi sila pumapayag na mabawi ang kanilang mga buhay sa kanila at pinapahalagaan nila ito.

  9. mubamos12 says:

    Sa kabanata 28, makikita natin na si Kaptian Tiyago ay namatay mataos sabihan ni Padre Irene tungkol sa nangyari kay Basilio matapos na makulong siya. Makikita rin na lahat ng mga mamamayan ay nagkaroon ng paranoya sa mga rebelde. Batay dito masasabi natin na lahat ng mga mamamayan sa kabanata ay nabalutan na ng takot dahil sa paghahanap ng pamahalaan sa mga rebelde parang lang sa nangyari sa Rebolusyon ng mga Pranses na naging parang magkaaway ang lahat dahil kahit sinuman ay pwede maging isa sa mga rebelde.

  10. schuaching12 says:

    Kabanata 26

    Tauhan: Padre Sibyla

    Makikita sa mga aksyon ni Padre Sibyla rito sa kabanata na siya ang nagpaskil ng mga palatandaan, ngunit ibinibintang niya ito sa mga kabataan.

    Batay dito, masasabi na gusto niya mapahamak ang mga kabataan sa bagay na hindi nila ginawa dahil hindi sila magkasundo. Nagagalit si padre Sibyla sa mga kabataan kaya gusto niyang maghiganti.

  11. jdeguzman12 says:

    Sa kabanata 29, makikita natin prinorotektahan ni Padre Irene si Kapitan Tiyago.

    Ayon sa kabanata, makikita natin na sinabi ng pari ng parokya kay Padre Irene na hindi nagkumpisal si Kapitan tiyago bago ito mamatay. Prinotektahan ni Padre Irene si Kapitan Tiyago nang sinabi niya na may mga tsino na inilibing na hindi naman nabinyagan ngunit may misa pa rin para sa kanila.

    Masasabi natin na maari itong ginawa ni Padre Irene dahil magkakilala ang dalawa dahil sa pagkamatay ni Kapitan tiyago, si Padre Irene ang kanyang ipinagkatiwala na tagapamamahala at tagapagpaganap ng mga mana niya.

  12. dcheng12 says:

    Sa Kabanata 26, makikita si Basilio na gigising nang maaga para pumasok sa ospital. Isa na siyang nagsasanay ng panggagamot. Sa panahong iyon, wala pang ibinibigay na titulo na Doktor. Licienciature lamang ang maibibigay ngunit pwede pa rin silang manggamot.
    May plano siyang mag-utang kay Makaraig dahil nagamit na niya ang kanyang mga naipon na pera. Ginamit niya ang kanyang pera para makuha si Huli sa kulungan.
    Sa harap ng Letran, may isang nagtanong kay Basilio tungkol sa rebolusyon. Naalala niya ang sinabi ni Simoun tungkol sa mga kabataan at rebolusyon.

    Batay dito, masasabi natin na si Basilio ay mapagtulungin sa kapwa-tao at gustong makatulong sa iba. Siya ay naging isang manggagamot at gusto niya bayaran ang utang na loob kay Kapitan Tiago.

  13. asoriano12 says:

    Sa kabanata 25, makikita natin ang mga kabataan na kumakain sa isang selebrasyon sa pag aproba ng akademya, kahit hindi sila tunay na maligaya at natutuwa sa desisyon na binigay ni Don Custodio. Mula rito, masasabi natin na pilit silang nagdididwang ng pag aproba ng akademya.

  14. jgonzales12 says:

    Kabanata 29

    Namamatay na si Kapitan Tiago at si Padre Irene ang namamahala sa kanyang pamana. Bahigi ng pamana ay mapupunta sa Sta Clara, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na dapat para kay Basilio ay binawi ni Kapitan Tiago at ibinigay kay Padre Irene at sinabi na ibigay kay Basilio na sabihin na galing kay Irene. Nagtatalunan din ang mga tao kung ano ang susuotin ni Kapitan Tiago sa kanyang libingan at sinabi ni Padre Irene na ang lagi niyang sinusuot ay pwede na.
    Si Donya Patrocino naman ay naiingit sa libingan ni Kapitan Tiyago at gusto na ring mamatay at mas maganda dapat ang sa kanya.

  15. Kabanata 28

    Nakulong ang mga kabataan dahil sa mga sinabi nila noong nasa pansiterya sila at nagkaroon ng mga usap-usapan na iba sa mga kabataan ay nakulong at napatapon sa labas ng Pilipinas. Si Quiroga ay isa sa mga tauhan na natatakot papasukin ang mga Indio sa kanyang tindahan dahil baka magalit ang mga sugalero sa nawala nilang pera sa bazzar niya.

  16. Mamamatay na si Kapitan Tiago kaya kinuha niya si Padre Irene upang ipamahagi ang pera ni Kapitan Tiago. Binigyan ni Padre Irene ng pera galing kay Kapitan Tiago sa Sta Clara, Papa, Arsobispo, Korporasyong relihiyoso at kay Basilio pero ang inutos ni Kapitan Tiago na huwag sabihin ni Padre Irene kay Basilio na ang pera na ibinibigayay niya kanya ay galing kay Padre Irene. Pupunta naman si Kapitan Tiago sa mga mongha at hindi niya alam kung ano ang susuotin niya pero sinabi ni Padre Irene na siya ang bahala sa susuotin no Tiago. Magsasabong din daw si Kapitan Tiago kasama si San Pedro. Hindi nila alam kung sino ang mananalo sa kanila. Huli, nakita ni Donya Patrocino na magarbo ang hinahandang libingan para kay Kapitan Tiago kaya gusto na ring mamatay si Donya Patrocino upang makagawa siya ng masmagandang libingan kaysa kay Tiago.

  17. rtan12 says:

    Sa kabanata 28, makikita na ang mga estyudante ay nagsisimula nang matakot dahil isa-isa naaaresto ang mga estyudante. Batay dito masasabi na hindi alam ng mga estyudanteng ito kung ano ba talaga ang nangyayari at kung sino ang naglagay ng mga poster na laban sa pamahalaan kasi gulat sila sa kagukuhan na nangyayari. Nagkakaroon na ng mga rumor na ipinapadeprt at pinapatay ang mga hinuhuling aktibistang estyudante kaya naman nagdadagdag rin ito ng takot.

  18. btecson12xs says:

    Sa kabanata 28, makikita si Quiroga na nag tatayo ng Bazar na mabilis maisasara sa oras ng panganib. Batay dito, ating mahihinuha ang kanilang takot. Takot na may nanghuhuli sa mga rebelde laban sa mga kastila

  19. ggorayeb12 says:

    Makikita si Paulita na maraming pinaplanong mga gusto niyang mangyari sa kinakbukasan nila ngunit sa totoo ay hindi talaga minamahal ni Paulita sa Isagani. Masasabi rito na maaring pinapaasa lamang ni Paulita si Isagani sa kaniyang mga pinaplano para sa kanilang kinabukasan.

  20. jchingkoe12 says:

    JC CHINX

    kabanata 26

    Nakikita sa kabanata na ito kung saang namumutla si Isagani habang siya’y nag tatalumpati. Nagpapakita ito ng kaniyang galit sa mga nangaabuso sa kaniyang mga kasamahan. Batay dito, masasabi natin na di na basta basta pumapayag ang mga indio na inaabuso sila. Tulad ni Isagani, nagbubukas na ang kaniyang mga mata sa mga pang-aabuso sa kaniyang mga kababayan.

  21. wayneseeong says:

    Ang kabanata 28: Dito sa kabanatang ito, ang una natin mababasa ay si Ben Zayb na nasa El Grito. Sinsabi niya na tama raw siya sa lagi niyang sinasabi na masama o nakakasama sa bansa ng Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Ang halimbawa daw ang insidente sa kabanata 26, yung mga paskil.
    Tadeo si ay natatakot dahil binaril na raw anang pinagtanungan (kaibigan), kasama. Madami raw ang utang na loob niya sa taong iyon ngunit patay nga. Nalaman niya na nahuli ang dalawang babae at pinatay na siya. Ang mga kasama niyang babae ay nanahimik. Nasiraan na raw ng ulo si Isagani.

  22. jawyoung12 says:

    Sa Kabatana 26, makikita natin na wala pang mga tao na nabibigyang titolo na ‘Doktor’. Ang dahilan nito, masasabi ko, ay ang mahinang systema ng akademia sa lipunan. Ang pinaglalabanan ng mga estudyante ay sinayang lang, dahil sa desisyon ni Don Custodio.
    Masaya si Tadeo dito dahil sa wakas, wala nang klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang tuwa pa rin siya na walang klase.
    Si Simoun. hindi pa bumalik sa kaniyang sarili, nang marinig ang balita tungkol kay Maria Clara. Nandoon lang siya sa ospital nakahiga. Di makakasimula ang rebolusyon dahil dito.
    Namamatay na si Kapitan Tiyago, at mayroong mga tao na gusto makuha ang pera niya pagkatapos siya mamatay.

  23. larceo12 says:

    Sa kabanata 26, nakikita natin ang paglalakbay ni Basilio sa bahay ni Makaraig galing sa ospital.

    Una, pumunta si Basilio sa unibersidad para alamin kung ano ang nangyayari at para rin magtanong tungkol sa kanyang degree. Nakita niya si Tadeo na masayang masaya dahil wala silang klase at ang mga iba’t ibang estudyante na natatakoy sa kung ano mangyayari sa kanila. Batay dito, masasabi natin ang mga ugali ng mga estudyante katulad ni Tadeo na masayang masaya dahil lang wala silang pasok kahit na itatapon sila sa Gaol. Masasabi rin natin na mabilis mawalang ng morale ang mga estudyante.

  24. Sa Kabanata 28
    Makikita hiniling ng Maestro kay Placido na alagaan ang pamilya niya kung namatay siya. Nakita dito ang mga Pilipino ay mahal na lakas sa mga miyembro ng pamilya at bawat isa

  25. Sa Kabanata 28, makikita si Kapitan Tiyago ay namatay dahil sa sakit. Makikita rin natin na dumating si Padre Irene at nagkwkwento tungkol sa mga nakakatakot na bagay. Para sa akin, napakainsensitive ang mga tao dahil namamatay nanga ang tao, tinatakot pa.

  26. dtan12xs says:

    Sa kabanata 25, nagkaroon ng kainan. Kasama sa kainan na ito sina Tado, Sandoval, Isagani, Makaraig, Quiroga, Pecson. Nagkatuwaan sila at nagustuhan ang mga pagkain at handaan.
    Makaraig- gustong ipagsamantala ang handaan dahil minsan lamang ito mangayari.

  27. pking12 says:

    makikita na si Isagani ay nalilito kung bakit kasama ni Paulita si Juanito at naghihingi siya ng paliwanag kay Paulita. Iyon pala, sumama lang si Paulita kay Juanito upang makita siya sa sinehan. Pagkatapos noong paliwanag, sinabi nila ang kanilang mga pangarap sa isa’t isa at pinapakita na mahal na mahal nila ang isa’t isa. Batay dito, ang pagmamahal niya kay PAulita ay maikukumpara sa pagmamahal niya sa bayan, ginagawa ang lahat para siya ay mapabuti.

  28. mhaw12 says:

    Kabanata 24
    Sa umpisa ng kabanata, nakikita natin na nagtatampo si Isagani kay Paulita. Napaliwanag ni Paulita na si Donya Victorina ay ang may gusto kay Pelaez. Tapos nagtawanan nalang sila.
    Pagkatapos niyan, nagkwento sila sa kanilang mga pangarap at pinakita ang kanilang mahal para sa isa’t isa. Makikita natin ang dalawang uri ng tao rito, si Isagani, ang taong may pakialam sa sariling bayan at si Paulita, na may paki lang sa sarili.

  29. mfernando12 says:

    Sa kabanata 29, makikita si Martin Aristorenas bilang isang taong ayaw na magpatalo. Para sa kanya, sa isang labanan, dapat mayroon palaging panalo dahil ayon sa kanya “nasa panalo ang sarap!”. Batay dito, masasabi natin na mayroong katangian ang mga Pilipino na ayaw matalo; ayaw mayroong kapwa panalo. Ang gugustuhin lamang niya ay ang siya lamang ang mananalo.

  30. Si Ben Zayb, sa kabuoan ng ika-28 na kabanata, ay walang ginawa kundi mag-isip lamang tungkol sa kanyang mga sulatin, dahil siya mismo ang nagsabi, siya lamang ang nag-iisip sa buong Pilipinas, ngunit sa totoo lang, hindi niya tuluyang iniisip ang lahat ng mga pangyayari, sinusulat lamang niya ang mga nagaganap sa paligid niya at sinasabi ang gusto niyang sabihin nang walang mas malalim na paghuhukay sa mga kaisipan. May isa ngang nangyari na nakakita siya ng bankgay ng isang babaeng indio at naisip niyang magsulat ukol sa nakita niya lamang, hindi siya nagtataka kung bakit ito nakahandusay lamang sa kung saan na nadaanan niya, ni hindi man nagtanong. Ang ginawa lamang niya ay pindutin ito ng kanyang saklay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: