Starbucks*

Tinakam mo ako
ng ‘yong piso
‘sang patak na

kape.

ng pagkakataong
panlasa ko’y dantayan
ng kultura ng mga
dilang pumipilantik

ng tsansang
tanungin kung
“For here?”
na di miminsang
pinagtripan kong

sagutin ng
“No. For there…”
sabay turo
ng punggok kong
hintuturo

sa sofang
aking magiging
luklukan habang

por segundo
kong ninanamnam

ang ‘yong
piso ‘sang patak na

kape.

*no copyright infringement intended

– para kina aids, brian, tj, kog, at dolly na naging mga kapwa prinsepe at prinsesa ko sa kastilyong tinatawag na starbucks ash creek ilang gabi ng marso 2007.

– at para sa mga estudyante ko sa 4F, 4G, at Filipino Advanced Class – Batch 2008 na nagbigay sa akin ng lakas ng loob na ilathala itong resulta ng isa na namang pagpapanggap sa pagiging makata.

– 21 March 2007


About julesphilip
a teacher who is still in the process of discerning whether he'll stay in this way of life, answer a lifelong call to become a diocesan priest, or take on the responsibility of being a steward of his parents' legacy. may his experiences assist him in making a decision for the greater love for God.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: